Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko

Sunog
Kaya pa bang makawala dito
Nagbabaga nang kandado ng lahat ng mga pinto

Binuhat ko ang sofa
(Binuhat ko)
Pasan pasan ko ang ref
(Ba't ang bigat nito)
Binalikan ko ang tv
(Inipit sa kilikili)
Lahat ng mga damet
(Lahat lahat lahat lahat)

Dibdib na kumakaba
(Lumalalabog)
Mata ko na masakit
(Sunog na sunog)
Hininga na pinipigil
(Utang na loob)
Pano makakabalik
(Bahala na si batman)

Nailabas ko nang lahat ng saki'y mahalaga
Bakit ako'y di nagtataka kung nasaan ka na

Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko

Dumadami nang mga miron
kasi lumalaki na rin ang apoy
Kaso may nakaparadang pison
Naka harang at hindi maitaboy
Nakatulala sa tabi na basa
Di ko inakala na ang ganito'y
Nakakadala at walang magawa
Kinakausap nila pero ako'y
Puno man ng paso ay tila manhid
Sa natuklasan ko sa aming silid
Nang buksan ang pintuang naka pinid
Biglang ang mga luha koy nangilid
Nasa mga bisig na sya ng iba
Ang isip ko ay di nag dalawa
Nag babagangang galit aking initsa
Sa sunog na to ay kayo ang mitsa

Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko

Sunog
Kaya pa bang makawala dito
Nagbabaga nang kandado ng lahat ng mga pinto

Sunog
Kailangan kong makalabas dito
Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko

Sunog
Kaya pa bang makawala dito
Nagbabaga na kandado yan ay kasalanan mo