Hello? 'Di mo madidikta ang syang nasa isip ng tao Harapin ang katunggali ang makikita'y mukha mo Salamin laging tinatanong kung ano ang sekreto Bakit kahit na dehado panalo kahit balato Lang ang hawak sa kamay, 'pag lumakad ay pilay Parang hawak na saklay, katapangan na taglay Kahit mapalayo alam kong pano umuwi Nagbayad na po ako pero wala pa 'kong sukli Kahit pa ako'y isang datihan Na galon-galong pinapawisan Mananatili pa ring isang baguhan Kahit gaano kalayo ay mararating Kasya pa ang aking sukli Kasya pa ang aking sukli Kasya pa ang aking sukli Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang Hanggang ngayon, ay nakahanda akong lumaban Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan Bawat taon, nilakad at dinaanan Kahit maputikan ang aking sapatos Na pinag-ipunan ng hirap at pagod sa pag– Tawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na Bawal ang aray kahit mamatay at gutay-gutay pa Gusto ko lamang sabihin ay 'di madali Ang mga kailangan kong danasin para Lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling Bagamat mailap ang pagkakataon, pinagkasya ko ang sukling Sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo'y di maikukubli Kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pa ang aking sukli Kahit pa ako'y isang datihan Na galon-galong pinapawisan Mananatili pa ring isang baguhan Kahit gaano kalayo ay mararating Kasya pa ang aking sukli Kasya pa ang aking sukli Kasya pa ang aking sukli Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim Bawal ang magtapon dapat mag-ipon ako ay pison papatagin Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin Sa bawat araw na nag daraan ako'y laging nagdarasal, Ama Namin Dambuhala man ang nakaharang ay 'di tumitigil 'di papapigil Kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nanggigigil Batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban Umaalulong, isa lang ang aking natutunan Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan Di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag Sigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag Itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw wag kang bibitaw 'wag Kahit pa ako'y isang datihan Na galon-galong pinapawisan Mananatili pa ring isang baguhan Kahit gaano kalayo ay mararating Kasya pa ang aking sukli Kasya pa ang aking sukli Kasya pa ang aking sukli