Laban pa ba subukan natin
Na kamadahin
Ang mga letra na sinulat ko
Tunog na aking inihain
Di pa madami
Ang syang dumudura ng ganito
Ngayon ay nandyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang

I
Hindi mo naisip na makakagawa pa ako ng kanta na halos hindi ka na makahinga
Tuwing nadidinig mo ang mga sinasabi palaging madaming dala dala mula sa kabila
Bata na dumayo galing ng malayo
Hindi man nanaloy garantisado
Na Tatabo sa huli
Baradong lababo
Sino ang ganado
Kapag delikadoy di alanganin di nag aatubiling
Na lumapag kapag rumekta
Mga salitang lumalatay pag kumunekta
Sa mikroponoy may kakaiba ka na pwesra
Kahit di nakasanayan ang salitang get high
Lumipad kasi sinipagan ang pagaspas
Nilabanan pinakamalalas na lagaslas
Nagpakilala hanggang sa pangalay nagasgas
Makatang mahilig na pumaspas
Tubong binangonan napunta sa qc
Matinis na boses tila sumigaw na bruce lee
Dilang madulas parang may wd40
Kumusta ka na sabi ko palaging mabuti
Kasi ang galing
Napapraning
Sabay iling
Pag ako na ang tumalak
Parang di ka nagkakamali
Tumatahi
Ginagapi
Kataga na lumalagapak
Sa tagal ng panahon na dumaan
Di ko na binilang ang sugat na tinalupan ng langib
Kahit na subukan nating balikan
Pipigilan ang sarili ko na sa akin ay bumilib
Mawalang galang na sa mga walang
Tiwala maniwala ka wala akong hindi itataya
Pagkat wala namang laman ang bulsa ko nung umpisa nito
Baon koy higit pa sa isang salita
Walang dapat ikahiya

Laban pa ba subukan natin
Na kamadahin
Ang mga letra na sinulat ko
Tunog na aking inihain
Di pa madami
Ang syang dumudura ng ganito
Ngayon ay nandyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang

Ngayon ay nandyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang