Lagot ka sa nanay mo 
Palo ka na ng tatay mo 
Ba't ganyan ang ugali mo 
huli ka, wag kang tatakbo 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento 
Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo 
Parang kapit-bahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo 
Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho 
Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto 
Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang mesa ay kumpleto 
Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo 
Ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo 
Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos 
Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos 
Kelan ka pa magbabago, eh pano ? 
Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo 
Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay 
wag kang makialam 
At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay 
o buhay mo'y di ko alam 
Pero pano ba yan, palaging tandaan 
Ito ay kanta ko hindi ba? 
Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova 

Lagot ka sa nanay mo 
Palo ka na ng tatay mo 
Ba't ganyan ang ugali mo 
huli ka, wag kang tatakbo 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento 
Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo 
Itong guro ko na masungit, pangala'y Ginang Buenaofra 
Parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang cobra 
pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta 
di na nga matapos sa pagsusulit , wala pang makuha na suporta 
'pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok 
kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano 
Ang pabaon lagi ay burong , dapat mataas ang marka sa bunot 
Buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot 
Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam 
Sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y 
parang kagat lang ng langgam? 
Alam mo ba ganito ? Sabihin sa akin ay wag kang makialam. 
At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. 
Pero anumang balakid 'yan 
Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova. 

Lagot ka sa nanay mo 
Palo ka na ng tatay mo 
Ba't ganyan ang ugali mo 
huli ka, wag kang tatakbo 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento 
Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo 
Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si Onse 
Kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste 
At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse 
Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe 
Upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos 
kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si Remedios 
Pero ang totoo po niyan , para di kumalam ang kaniyang tiyan 
Sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan ! 
E-e-e-enhale, exhale .. pwede ba tigilan mo na nga yang rugby 
Hindi ba tama naman ako sabi nila, tatay mo sakin exactly 
Pero alam ko kung anong pweden mong sabihin sa akin ay wag kang makialam. 
At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. 
Pero anumang balakid 'yan 
Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova. 

Lagot ka sa nanay mo 
Palo ka na ng tatay mo 
Ba't ganyan ang ugali mo 
huli ka, wag kang tatakbo 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali 
Mga salbahe, hindi kasali 
Dun sa naghahanda kang itali