Panibagong araw nanaman Bakit sadyang kulang sa pagbabago Hanapin may di ko matagpuan Di pa lumulitaw ay nag lalaho Ang swerte na tila di sakin nakalaan Depende bihira madalas ay tsaka na lang Tirik ang araw sa quiapo Tanghaling tapat daming naglalakad Lahat pinipintahan ko Parang langaw na dumapo kahit na mabaho sa basurahan Hanggang sa naispatan ko Isang Ale na may edad Alahas nakalantad Mabilisang delehensya to Kaya Tinutukan ko agad kwintas singsing akap na bag Tapos ay karipas ng takbo Ang buong akala ko Nakatakas na ako Hindi pala merong parak na nakatambay sa may kanto Pano yan Kahit hinihingal ay kailangan ko pang bilisan Kadalasan naman ay hindi sila ganyan pag humabol ang masahol Ay nasukol ako sa eskenitang masikip May nadinig akong putok kaso hindi hagip Tinamaan ako sa paa Naloko na basta Di ako pahuhuli ng buhay Inintay ko syang makalapit Para maagaw ang baril na kapit Tila aguilang dumagit Mapapalaban sya talaga Nag pambuno kaming dalawa Bumunot sya ng Kutsilyo Itinarak nya wala akong nagawa Kinagat ko sya ng Pustiso Buo buong dugo basa nang uniporme nya sino ang mag lalaba Hanggang sa naramdaman ko ang Mainit na tinggang pumasok saking dibdib Di ako makahinga na tila may nakasakal sa aking leeg Akoy lulang ng ambulansya Aabot pa kaya sa gracia Kaso trapik sa edsa lagi naman Mag dala ng pasensya la nang laman Nakarating din sa wakas Pinto'y agad ibinukas Ang buhay ko'y iniligtas Parabang nanggaling sa taas Gulat saking mata'y bakas Dagundong ng puso'y lumakas Kasagutan na pilit kong hinanap Nung bigla sakin humarap Doktorang may edad na aking hinoldap...