Mabuti naman dumaan ka't bumisita
Palagi kitang hinihintay sa tuwina

Buong akala koy nakalimutan mo na
Ang humawak at sumulat paggamit ng pluma

Ang Mahalaga ikaw ay nag balik
Parang tuyong pisnging uhaw na uhaw sa halik

Ng tinta sa papel na dumidikit
Simulan natin ang mga mata moy ipikit

Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib

Pumasok sa silid na puno ng agiw sumasabay sa saliw

Ng lumang tugtugin kaya marahil
Patutulisin ang panulat parang pangil

Tumatahol nauulol
Pinupukol bukol bukol

Magmimintis sumasapol
Maaga pa'y mag hahabol

Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib

Akala ko noon ay sapat na 
lahat ng binigay lahat ng pinusta
Lahat ng inabot lahat ng kinanta
Minsay nag lulustay madalas nag sasalba
Kasi alam ko na hindi naman ito tate
Pag di ka nag sube iiyak kang uuwi

Madalas mali ang tama at ang tama ay mali
Kung di mo parin nakuha pakinggan nalang uli 
(pakinggan sa tulay)

Muli mong hawakan sa bewang ng lapis
Gumuhit ng letrang di kulang o labis
Umagos na oras tuyo na ang batis
Na nilusungan ko

Halika hawakan mo ang aking kamay
Ikaw na kasama ko nung akoy sumasakay
Sa likod ng jeep
Nakasabit na ngalay
At kahit masikip mag pipilit makasabay
Makauwi ng maaga
Matuyo ang labada
Matagal pa ang sahod baon mag kasya pa sana
Kahit wala pa sa gera
Nag iipon na ng bala
Ang mga kuwento na ito
Alas ng mga baraha sa bagong kabanata

Pintahan mo naman ako
Kwentuhan ng panulat mo
Kay tagal nang di nadinig
Salitang tumatagos sa dibdib