Kung hindi ka lamang maharot
Eh di ikaw pa rin ang kasama ko
Ngayong akin na nga ng naabot
Ang mga pinapangarap ko

Hindi na ikaw ang aking kasalo
Dahil sa'yong ugaling palalo
Kung di mo pinaramdam na sa'yo ako'y talo
Eh di kasama ka sakin pagkapanalo
No no no

Di ba't sa'yo ko lahat ipinagkatiwala
Lahat ng mga plano ko at mga pinapangarap
Sa pagaakalang ikaw ay mananatili
Sa hirap o ginhawa tayong dalawa'y magkahawak

Pero ng dahil sa akoy kinapos
Noon agad-agaran kang nagbago at biglaang nawala ka
Iniwan mo ko sa gitna ng gutom pasakit
Yung dati mong pinagyayabang ay wala ka ng tiwala

Di mo ba naisip na pagsubok lang ito na
Kaya sana natin lampasan bilang yong katipan
Nilisan mo ko sa ere na parang di
Mo na kilala at patuloy mo pa ako pinapasakitan

Ng dahil ba sa isang lalaking mayaman
Napaikot ka sa kanyang mga salitaan
Na ibibigay sa'yo ang lahat
Ika'y bibihisan matapos alisin ang saplot sa'yong katawan

Kinain ng lupa ang aking pagkatao
Nalibing na sa dusa dahil sa pagkatalo
Para lamang makausap ka palaging magkano
Palagi aking bulsa ang siyang kinakapa mo

Laki ng pinagbago, lakas mo na manggago
Hindi lang pala sungay, ang siyang iyong tinatago
Sari-saring kakupalan, sa likod ng 'yong maamong
Mukha, kalandian sa katawan ay sako-sako

Kaya buti na lang imbis na magpatiwakal
Pinili ko na ibuhos sa sarili'y pagmamahal
Nagsumikap sa buhay, kinapitan ang dasal
Nangakong di na muli pang lulusong sa kanal

Kaya malaking sampal sa mukha mo kabilaan
Na ako'y umasenso habang ika'y kahirapan
Siyang tinatamasa buhat na ika'y iwanan
Lalaki na pinili mo na maging kasintahan

Kung hindi ka lamang maharot
Eh di ikaw pa rin ang kasama ko
Ngayong akin na nga ng naabot
Ang mga pinapangarap ko

Hindi na ikaw ang aking kasalo
Dahil sa'yong ugaling palalo
Kung di mo pinaramdam na sa'yo ako'y talo
Eh di kasama ka sakin pagkapanalo
No no no

Palaging magkahawak ng kamay
Tuwing naglalakad magkasabay
Ikaw ay aking aakayin
Walang aalalahanin
Susundo kahit na maghintay

Nakaapak sa bangko
Tuwing ikaw ay uupo
Taga bukas ng pinto
Animoy nakayuko
Kahit na palabiro

Di na ko kumikibo
Sige sorry na po para di na to humaba pa
Lahat ay naka handa kong gawin
Tiisin para lang mapaligaya ka

Kahit na mahal
Ipunin ng matagal
Para bang nautal
Ang sweldo ko na sakal

Ibibigay parin
Di bale nang samain
Upang iyong damahin
Pag-ibig at pagtingin ko
Kasi isa lang naman ang nais kong sa'yo ay maipa-alam na
Di ka nagkamali sa tao na 'yong pinili

Ang kaso lang ako naman
Ang nabulag sa ihip ng hangin
At lahat ay di ko akalain
Kung tinupad mo ang pangako mo
Ikaw sana at ako

Kung hindi ka lamang maharot
Eh di ikaw pa rin ang kasama ko
Ngayong akin na nga ng naabot
Ang mga pinapangarap ko

Hindi na ikaw ang aking kasalo
Dahil sa'yong ugaling palalo
Kung di mo pinaramdam na sa'yo ako'y talo
Eh di kasama ka sakin pagkapanalo
No no no