Dami ng gustong kumuha D'yan na lang sa may bangketa Para 'di masyadong kita Ng mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh, oh-oh Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh Binebenta ko, oh-oh, oh-oh Pano ba 'to? oh-oh, oh-oh Ako lang ang meron neto Alas dose, hating gabi Pwedeng pa-gramo-gramo kung gusto bumili Abutan ng bayad sa may tabi-tabi Ingat lang dahil baka may makasalisi Makinig sa istorya, do'n sa may Divisoria Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria Palagi nasa lansangan kahit na maalinsangan 'Di siya nag-aalinlangan basta't tamang bentahan Kaya ingat lang sa kapkapan baka magka-bakbakan May bakal ka ba na dala na katulad nila sinubukang lumaban 'Wag niyo akong tutularan sa tabi ng kaniyang pangalan May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan Kailan kaya matututo, 'wag matigas iyong ulo 'Di nakuntento sa porsyento, dividendo kilo-kilo Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan Paninda ko, oh-oh, oh-oh Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh Binebenta ko, oh-oh, oh-oh Pano ba 'to? Oh-oh, oh-oh Ako lang ang meron neto Ako na lang ang meron, wala na dito sa'min Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing Sistemang mapanlamon, ang dami kong inihain Handa 'kong mamatay dahil may dapat na buhayin Pamilyang umaasang matulungan sila Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga 'Di pwedeng ako'y makulong lalaban ako kahit mag-isa Sabog ulo man o palit ulo kahit pa magturo ng iba Nakulong na si kosa, nanlaban na si tropa Pasensya na kayo, kailangang maabot ang kota Para 'to sa pang-suporta, wala nang makakakontra Trabaho lang, walang personalan, bago lumayo nang sobra Sa espadahan ng sungay, kailangan ikaw ay mahusay Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay 'La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay Tropang gising tropang gising tropang gising sing Mga praning mga praning mga praning ning Laging gising laging gising laging gising sing Mga praning mga praning mga praning ning "Gusto ko na talagang magbagong buhay Kasi lumalaki na 'yung mga anak ko" Mamang naka-puti, pwede ka bang lumingon? 'Nong tinda mo sa'yong munting kariton? Ang bibig ko'y tikom lang kita'y lalago Basta may libreng tikim sa iyong nilalako Sabi ko noon kay inay, kaya ko na pong mag-isa Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira Sa kada pagpikit ko nagtatanong sa sarili nang maiba Papa'no kung maaga ko dapat asahan ang aking mabatong lapida, kaya Kahit na 'ko'y dilat, hirap manalamin kung kaninong bungo, 'yung kaharap ko sa salamin Pero kahit madalas mapraning, bihasang-bihasa na 'to pagdating Sa galawan ako lamang ang tanging biktima at ang salarin Pinugad ang kagipitan, salapi't kaibigan Habang buhay dinala, kasiyahan na panandalian Mundong nilasa ko nang matagal kahit pa sabik pa 'kong iwan Kaso sa huli, rehas at libingan lamang ang pwede kong pagpilian Dami ng gustong kumuha Dyan na lang sa may bangketa Para 'di masyadong kita Ng mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh, oh-oh Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh Binebenta ko, oh-oh, oh-oh Pano ba 'to? oh-oh, oh-oh Ako lang ang meron neto Ako lang ang meron neto Ako lang ang meron neto