Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang, hadlang, sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Sa lupain, kung san ba tinubuan ng husay, gumaling Nakipag-balagbagan ng sungay, tumalim Nilagyan ng kulay ang mga tula't hinaing Kaya mulat dumating Salamat kay nanay, gumana ang pakay Mga umalalay, humanap ng palay (Kaya ako naririto) Buhay na inalay, inaral, nag-sanay Umasa na sana'y pangarap maakay (Ipinangakong 'di uuwing bigo) Hindi kumaliwa Nakaipon ng tubig kahit na butas na ang timba Mga luha't pawis na ni minsa'y 'di ko ininda Lukot na papel, panulat na naubos ang tinta Panahon ang nagdikta Tubong Tanay, na kung san-san napadako Patuloy sumasabay, kahit sa luma o bago Ako yung panday na pandayo, sakay ng kabayo 'Pag nag-sunog ng kilay, 'di mo pagkakamalang tao Estudyanteng pumapasok kahit na sarado (sarado) Malinaw ang mata kahit na ang taas ng grado (grado) Payaso ang plaka, pero 'pag nag-ayos, plakado (plakado) Kilalang kwela sa eskwela, pero laging eskwalado (eskwalado) Ganado palagi, madapa o magapi Matalo, masawi, ano man ang kapalit Handa 'kong magbawi, babangon pabalik Ano mang dagok, 'pag tinaya mo pati pato, madali Daan ay tila nag-yelo Dumulas man ang sasakyang minamaneho Hinding-hindi magpepreno Dibdib hindi na dinaga nung mahainan ng keso Ako ay susugal hanggang magapi ang bangkero Tayo ay hindi pareho Kung nakabase ka sa malakihan na premyo, salaping nakaselyo Sa'kin ang pinaka-sentro, siyento porsiyento Ako ay nakatodo palagi hanggang maging bida sa kwento Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang, hadlang, sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Dito sa eskinita na madilim Bakas sa balat ng tao ang kalagayang malagim Patunay, itim na kulay, lumalabong paningin Sa gutom ay magdidilim kapag lumaktaw ka ng hanapbuhay Isang kahig, isang tuka Kakain 'pag tumabo, 'pag na-blanko, tulala Balewala ang mga trabaho, mahirap man, kinakaya pa lalo Kapag wala kang mailagay sa plato Panigurado, kalam ng sikmura makakabangga mo Wala kang karapatan na mag-reklamo Kung ano lamang ang nakayanan, 'yun lang ang laman ng bandehado Tandaan mo na kapag ipinanganak kang argabyado, antimano Kabilang talampakan mo'y nakaapak na sa kuta ng mga diyablo Obligado kang gawin Ang mga bagay na 'di mo naman gustong gawin Kapalit ng kapirasong salapi, buhay, pagod, oras, sandali Pati ang panahon mong nalalabi, masasaid Sa kakahanap mo ng pantawid Sa patintero ni kamatayan Tanging ka-duelo mo'y kalagayan Balik sa pwesto kung mataya man Hanap ng tiyempo, sagad ang buwelo Hanggang makawala ka sa palad ng impiyerno Dito sa amin mahirap, pero laging kinakaya Bibihira ang mga nakahilata Araw-araw na gumagalaw, punong-puno ng pag-asa Na balang araw matamasa Ang buhay na masagana't makahiga sa malambot na kama Basta't kayumanggi ang balat Asahan mong buntot ay hindi bahag, nakangiting papalag Kilalang matibay at matatag Kaya kahit na ano pa 'yan ay kakayanin lahat Walang-wala na, pero makikita mo pa din na tumatawa Salat man sa kayamanan, pero mayaman at masagana Sa pag-ibig at pagmamahal, at yun ang mga wala sa ibang bayan Na gustong bulabugin, angkinin, sakupin ang Perlas ng Silanganan Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang, hadlang, sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Klima na mainit, so hot (hot) hot (hot) Presyo ng bilihin goes up (up) up (up) Polusyon, Luzon to Mindana-a-ao Talaga namang ika'y mangangayaw (yaw) yaw (yaw) Yun ay kung 'di ka sanay (ka sanay) Dito sa Pinas (sa Pinas) bawal magreklamo (bawal) Kung 'di ka madiskarte, lahat panabay (panabay) Bulag, pipi, pilay (pilay), bata o matanda Nagkalat at laman ng kalye (prrrt, kalye) Mga tindahan sa tabi-tabi Literal, tabi-tabi, pero magkakabati Mga linggwahe na iba-iba, oo, magkakaiba Pero sa pagmamahal, tiba-tiba, diba diba? Kakaiba kapag sinabing Pinoy Bida bida sa paningin ng mga naa-annoy Hindi na namin kasalanan kung 'di ka makajoin (ha ha ha) Pakara ba? O baka naman, natural na sa amin na Maging masaya-ah-ah Kita mo 'yan sa aming mata-ah-ah May pagmamahal sa ginagawa-ah-ah Bawal dito ang mahiya, mahiya-ah-ah Mapa-kanta, sayaw, rap, tula Pagkain, lugar, magaganda na tanawin At higit sa lahat, ang mga bayani Tanging natira ay ang sugo ng rap, ako yon (Hero!) Pumukol ng pumukol na parang sira-ulo (sira-ulo) Mayroong sariling pakulo kada baba ng pulo (baba ng pulo) Kahit na magkabukol kakasubok, magkasubukan man Ay asahan mong subok na 'to hanggang sa dulo (hanggang sa dulo) Pinong-pino ang katas kapag may Pilipino (Pilipino) Malabong mapaatras 'yan ng kung sino-sino (sino-sino) 'Pag usapan ay Pinas, lahat ay imbitado Areglado, sigurado gigiba ang entablado Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang, hadlang, sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika Sa mundong 'pag masaya ka, ang pagod, 'di alintana May kalakip man na pighati at drama May kalasag ng tinitingala o baluti ng tala Kaya kahit na anong pang-aapi, 'di makakapinsala Sampung ulit nadapa, o higit pa yata Ngunit 'di nadala, makulit na bata Hanggang nakakaramdam ng kaligayahan Maglalaro nang paulit-ulit, tatakbo sa kalsada Hahabulin kung sino ako sa aking panaginip Matulin man o mailap, basta laging bibirit Ng hindi nagmamadali o hindi pinipilit Na parang isang motoristang hindi sumisingit 'Di mananaig ang galit kahit maaring mapatid Walang malaking balakid sa taong merong dambuhalang pangarap Sa taas lang ang kapit, minsan mangangawit Kung bibitaw ka'y alalahanin lang kung bakit ba humawak, yumakap O unang lumakad sa daang tinahak Hinamak lahat, kasi nga pinaglaban mo Sa matigas mong bungo Tinarak yung banat na ikaw ay karapat-dapat Mga tinaga mo sa bato ay pag-hugutan mo 'Pag namamalat sa kalagitnaan ng pagtatanghal Ang mahal sa buhay ay nagsisilbi kong tubig At taga-angat ng enerhiya, pag pinanghihinaan Kaya mas tumatagal sa napiling kong tungkulin Una pa lang, di na nag-dalawang isip sa hinakbangan Nung tumagal, mas pinanindigan, parang pinakasalan Na minamahal na kasintahan, 'di na pinakawalan Inalagaan, sinipagan, sinamahan ng dasal Ang pag-kapit ay mas lalo ko lang na hinigpitan Parang pakanan kong pinihit ang turnilyo Ideyang nag-uumapaw o laging puno na parang tubig sa timba Kapag laging nakabukas ang gripo, kasi nga Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin) Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin) Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin) Malalaman mo na 'pag napadaan ka Daang daang kabang tanso Pasang walang laang hinto Hakbang, hadlang, sarang pinto Malalaman mo na 'pag napadaan ka Halika