Nagtiwala sa mga sinabi mo Na ako ang syang laman ng mundo mo Ang nagmamay-ari at laging maghihintay upang ibigin ka Pakinggan mo 'eto Lasapin ang kwento ni Pedro Isang binata na bagong pasok ng kalaboso 'Di man sigurado ay masahol pa sa preso Dahil ang kabayaran ay hindi presyo Halata mong laging malungkot Noo na nakakunot Ikot nang ikot ang isipan na napakalikot Matalas ang katotohanan na pinapasuot Tila gagamba na sa bagting nagapos, nabilot Kahit na ilang beses nya pang putulan Isipan at diwa nya sa hangi'y nakalutang Pinupuno palagi pero bakit kinukulang Parang nalubog sa walang kabayaran na utang Kung alam nyo lang ang Tunay na nangyari, malamang Hindi na kayo mag-aabang ng Traysikel o jeep, kahit pa sa taxi, tandaan Baka makita nyo sya na mapadaan, sulyapan Dati syang may kasintahan At alam nyang tunay kanyang nararamdaman Sa isa't isa'y nangako Napako Naglaho At gumuho Si Minerva, labandera na morena Inabutan ko ng gumamela Pagkatapos kong mamasada sa manibela Inaya ko sya na mamasyal sa may Luneta Bumili kami ng malamig at tinapay na mamon Nang lumaon ay inaya ko sya sa may banda ro'n Madilim, madalang ang dumadaan, sabay lulon Ng laway na sa lalamunan ko ay naiipon Tinanggihan mga halik at haplos na umaapoy Nagdilim ang paningin, buong akala ko ako'y Hahayaan mong lusungin ang batis na kumunoy Kaya ngayon sakal ko ang iyong leeg hanggang buto ay mabali Itinali sa pusali Nangingitim ang iyong mga labi Walang buhay na babae Hatinggabi na, sinong magsasabi Bangkay ka nang iniwan sa Balete Nagtiwala sa mga sinabi mo Na ako ay laging iingatan mo Ngayon ay mag-isa Nakita nyo na ba Ang babae sa Balete Drive? Nagtiwala sa mga sinabi mo Na ako ay laging iingatan mo Ngayon ay mag-isa Nakita nyo na ba Ang babae sa Balete Drive? Dati syang may kasintahan Akala nya tunay kanyang nararamdaman Sa isa't isa'y nangako Napako Naglaho At gumuho