K'ya! K'ya! Huy! K'ya! 'Di ba rapper ka? Ha?! Rapper ka 'di ba, kuya? Ah, oo rapper ako Ha! Sabi na ikaw yun eh! Uy sorry, ano nga ulit yung pangalan mo? Nakikita kita sa TV eh Hhm, 'no nga ba pangalan ko? Gloc-9! Gloc-9 ang pangalan ko! Astig, astig! Sir Gloc pwede ba 'ko mag-sample ng rap sayo? Kasi... Nagsusulat din ako eh! Sure! Sige nga, padinig nga ulit ng sample mo Iniwasan ng malamang Tinik sa lalamunan ang dala May nadinig pa din kahit Madalas pang yumuko sa magsasaka Kaya kasalanan ba kung paglalampaso nakapagpasaya 'di pinabayaan At walang kaalamang maibabahagi ang pagtataka Total andito na tayo ba't pako sa chamba mag-aasam Kung pati mga tenga ng tinitingala mo ay sa mga dura ko nakaabang Medyo may kadalasan na matakam Makapagsako ng patapon Na hindi na bago pa sa daan Sa taas ko humihiga O di na katakataka na makapaglampaso to malamang Ngawit na ako tumingala Iba't ibang sulatan na din ang binasa Ng imahinasyong apat na taon itinaya Para sa bunga na 'di makuha pa sa himala Napilitan na balikan ang mga 'di ko tyinaga Mga pasang-awa na grado sa bato itinaga Na nagkakamali ka kung inakala mo na sa pagpapahinga lang ako natutong magpakabihasa Hanep! Galing ng sample mo ah? Pero may sample din ako Ano po yun? Eto o... Ayos ba? Panalo 'di ba? Ako lang meron nyan...