Mga yapak ko na
Nakadiin sa lupa
Itinatak ko na
Kahit kulang sa tinta

Iniyak ko na
Tuyo na ang mga luha
Nang matiyak ko na
Aking makukuha

Banat ng banat
Ikalat, di magpapaawat
Bayad ng bayad
Sumayad hanggang magkalamat

Lakad ng lakad
Natanas nawala nang balat
Sa paa ko malayo
Paspas man o Banayad

Di kasali ang manibela
Hanggang Estrella
Nakasabit, nagalit kundoktor
Kulang ang pera

Upang makauwi
Nangutang ako sayo diba
Sabay takbo, iwan ako
Sanay sa etchepwera

Ganyan noon ang laging inaabot ko
Ngayon ay nag-iba noong naabot ko
Tala na sabay natin na ginugusto
Silay naghihilata habang binuhos ko

Kumukulo sa init, di alintana ang paso
Handa sa pagsusulit, laging maagang pumasok
Namanhid na ang batok sa lahat ng mga dagok
Kami ang nag-igib kaya kami din ang sasalok

Mga yapak ko na
Nakadiin sa lupa
Itinatak ko na
Kahit kulang sa tinta

Iniyak ko na
Tuyo na ang mga luha
Nang matiyak ko na
Aking makukuha

Di ko akalain na aabot ako dito
Makasama ko ang aking paborito
Na makata sa Pinas, parang kausap ko na din si Kuya Kiko
Grabe yung ngiti ko, abot langit walang biro

Dapat laging magaling, kahit wala sa mukha
Kada dakdak madain, hindi mabuta-butata
Natupad ang kalahati sa pangarap ko bigla
Na dala-dala lang ay isang malalim na tula

Kung nabubuhay lang si Nanay, "malamang"
Isa sya sa mga nakangiti
Naka magandang babaeng may matamis na ngiti
Sa dami kong natanggap
Na papuri ay hindi
Kumapal yung apog ng makahiya nakatuping
Nakatanim sa aming lugar
Na may bungang matinik
Tigas ng ulo sa pangarap lang ginamit yung kulit
Na parang bagong gupit
Kada sulat masakit
Palaging malupit na parang naka-tribal na damit

Pag sa amin dumikit

Mga yapak ko na
Nakadiin sa lupa
Itinatak ko na
Kahit kulang sa tinta

Iniyak ko na
Tuyo na ang mga luha
Nang matiyak ko na
Aking makukuha