Kung alam mo lang kung Sino ka sa buhay ko (Sanay marinig mo to)
Ikaw ang Simula at Papupuntahan ko (at Yang ang Totoo)

Parang eroplanong papel na hinagis ng malakas
Tangayin sana ng Hangin sa Landas

Papunta sa aking idol
Idol idol ko na Rapper
Ang angas ni idol
Idol idol ko na rapper
May bago si idol
Idol idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta

Idol, lodi, dol
Pwede ka ba na magsample
O kaya pwede pa-arbor
Ng kanta kahit na love song

Gustong gusto kasi kitang makakolabo
Talagang malupit parang di ka na tao
Di nagtitipid, di rin nagigipit
Ang tanong ko lang (idol pwede papicture?)

Sabi ng marami mabait ka daw legit ka raw marunong magbalik tanaw
Napapawow ako sa kada spit, galaw
Hindi sabaw kapag ikaw kakalaw

Natatanggay lahat ay napapasabay
Naglalaway kapag ikaw nagpapanday
Nangangalay ako sa kakapalakpak
Nagagalak na parang may alak sa hapag kainan

Laging bundat sa kaalaman
Kapag ikaw ang napapakinggan
Sana magkaron ng pagkakataon na ikaw ay aking malapitan

Magpapapirma sa tagiliran
Ipapatattoo ko saking pinsan
Ng hindi ka na mabura
Nakatatak ka na saking puso at isipan

Kung alam mo lang
Kung gano kaangas
Kakalabasan ng kanta
Pag tayo nagsama

Di mo man ako mapansin ngayon
Gagalingan hanggang sa mahanap ang daan
Papunta sa aking idol

Papunta sa aking idol
Idol idol ko na Rapper
Ang angas ni idol
Idol idol ko na rapper
May bago si idol
Idol idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta

Mga obra mo'y na sa memorya ko
Kabisa ko lahat ng mga istorya mo
Pati porma damit at lonta ay kinokopya ko
Idol sayo suporta ko
Ikaw ang dahilan kung bakit ginagalingan ko palagi
Sana makasagi, sa bahag hari
At dumating ang pagkakataon sa kanta tayo ay pagtabihin

Alam ko naman na imposible maganap
Makaharap ko isa sa mga bituwen
Sa ngayon idadaan ko muna sa dasal
Pero sisikapin ko doon makarating
Diman ako mapabilang sa pinakamagaling
Ay tutulayen ko't tutuparin

Dahil sa musika mo ay nabago
Pananaw ko bilang tao
Na laging talo
At kung bibilangnin ay ndi matanaw
Kung may bilang paba ko
Salamat sa inspirasyon, dahil sayo nakabangon ako't kumalag
At pumalag, sa mga hamong nakaamba sa aking paglalayag

At sana dumating ang pagtataon na tayong dalawa ay magkasalo sa awiten
Lahat ay gagamiten
Ano man ang sapiten
Wala akong pake maging alalay oh alipen
Alipen
Ikaw ang anito ko
Ako ang anino mo
Oh Idolo
Akoy nakahanda sumunod sa yapak

Papunta sa aking idol
Idol idol ko na Rapper
Ang angas ni idol
Idol idol ko na rapper
May bago si idol
Idol idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta

Sana madinig mo ang mga nagawa kong awit
Ito ay bunga ng paghanga ko sayo at matinding pagkahumaling
Lahat ng oras kong natitira ay sayo ko lang ibinabaling
Kahit na parang ang pagkatao ko ay unti unti nang kinakaen

Ng pagkasabik at pagkalulong ko sayo
Ayaw kang mawala sa mata ko
Gusto ko na mapunta sa tabi mo
Kahit ayaw mong mapunta sa tabi ko

Di ako mapakale nagmadali nagpadala ng mensahe
Tumawag ako sinagot sandali pero wala namang sinabe
Pagkababa ng telepono tila mas lalong tumindi ang
Kagustuhan ko na makitat makasama ka para na akong nahihibang

Kaya inalam ko kung saan ka umuuwit nakatira
Kung saan at kailan ka ulit maiimbita
Kung ayaw ng tadhanang pagtagpuin tayong dalawa
Hindi na ko aasa ako na mismo ang gagawa

Ng paraan kaya tinambangan ko ang iyong tagamaneho sa pradahan
Inantay ko tumalikod bago sya bakbakan
Sinuot ko damit nya sabay upo sa harapan ng sasakyan
Tsaka na inabangan pag pasok mo sa loob agad kitang sinarahan

Pinatakbo ng mabilis na parang siga sa daan
Habang tumutunog ang kanta kong di mo pinakinggan

Antagal ko na inasam na makasama ka man lang
Ang tangi kong hinihiling kahit sa isang kanta lang

"Itigil mo na to oh parang awa mo naman"

"Ngayong anong pakiramdam na hindi pinapakinggan"

Hindi na to mangyayare kung sana pinabayaan
Mo manlang ako na ikaw ay aking makakamayan
Ngayon ay habang buhay mo kong papakisamahan
Dahil magsasama na tayo hanggang sa kamatayan
Idol