Ako'y nalilito Naririnig mo ba Ang sarili kong Nagsasalita Wala namang nag-uusap Pero bakit may bumubulong Wala namang nagtutulak Bakit umiikot ang gulong Sa'n ba to papunta Sigurado ba ang ruta Gusto ko na kasing makalayo At makalabas sa kuta Ayoko ng mapako sa tapos na Hindi ko hinayaan na malampa Lalo nung panahon na ako ay nabaon At wala rin nagtanong sakin ng kamusta Alam ko sa sarili kong mahirap Hirangin na ginto o isang pilak Marami ang pintong di mahagilap Dahil ang susi ay pagsusumikap Kinalagan ko ang sarili sa kadena Kinalumutan ko na muna mga nega Di na pwede tatamad tamad at satsat lamang ng satsat Walang mangyayari kung puro dakdak Di ko 'to ginagawa para sa pera Sapat na sakin na may makinig At maka-inspira sa pamamagitan ng aral Mula sa alalay ng hari Ginawa ko lahat hanggang sa napakita Ko sa mga tao na hindi to madali Baka lang manalo ko sa mga talo Na pinagdaanan para lang kumita Basta ginawa ko lang ang gusto Tignan mo naman kung san ako nakarating Dami kong sakit na mga nilampasan Bakit kamo? Para gumaling Kahit pa na malaliman nagawa kong huminga Para ang kumita nawalan ng pahinga Baka marating din ang gustong marating Dumating ang mga pinadalang panalangin ko sa langit uh Kung di pa dumating baka natraffic pa Madadapa ka talaga sa mga pagkakataong Hindi ka sigurado Kung sumabit ka o gumamit ka Minsan kako parang May bumubulong sa hangin Na hindi ko maintindihan Ang sinasabi sakin Oh ano ba talaga ko Katas ng nagawa ko Ang magpapakilala Kung sino ko bilang tao yeah Ang mga luha pawis at dugo Kasama ng mga tulang binuo At ang mga mensaheng hindi mabukong Nakatago sa loob ng aking bungo Kalakip ang panang gulo at pagkatao Iilan lang yan sa mga tinaya Ko sa laro na hindi mo makabisado Kung kelan ka dadampian ng panalo Pintuang sarado na may matibay na kandado Ang tatambad sa harapan ng muka mo O nasan ang susi hinanap ang kaso Natagpuan ko ay barang malamaso Kaya kahit na di pinahintulutan Binakbak walang hintuan Kalimutan kapalarang kapikunan kalingunan ko sa bintana Ay mga kabiguan at ang buwan na gusto kong bigwasan kapagkabilugan Ginagawa ko to dahil sa gusto ko Di lang dahil uso ito ay sinasapuso ko Dugo ng makata dumadaloy dito sa pulso Ko kaya malalim pag tumarak mga pinupunto ko Maging inspirasyon sa lahat ang pinaka gusto ko Katulad ng mga sinusundaan at iniidolo Tatatak sa bungo nyo ang iiwan kong liriko Di ako magreretiro dito ng wala kong titulo Ako'y nalilito Naririnig mo ba Ang sarili kong Nagsasalita Wala namang nag-uusap Pero bakit may bumubulong Wala namang nagtutulak Bakit umiikot ang gulong Naririnig aking sarili Sayo na para bang kabiyak ng kabibe Di na bale kung wala kang pera panalangin ang dala basta wag ka lang sumuko Pagkakamali ang makakapagturo Kung saan karanasan lang makakahalubilo mo Na pwede mong tawaging mga guro Kapag nadapa natural lang masugatan talaga Na mayron tayong mabigat na mga laban Kung sakalaing harapin mo kapag nanalamin Sinasabi lang sayo kailangan mong magpagaling Pano ko pa to matitigilan kung tagumpay na mismo Ang napili kong katitigan Mata sa mata nag uusap kame ng masinsinan Ako ang dyamanteng bagay sa kanyang pala singsingan Madalas man kame mag ka iringan ng kagipitan Kalimitan mas pinipili ko paring masinpangan Ang pangarap na inaasam asam ng karamihan Sa huli pag ka wagi lang ang gusto makahalikan Raragasa na merong tanging dala Baon sa bawat bakit nila Pain ko na sa mga pangmamata Kinagat nila dahil sa pananamantala Pero di na ko dapat magalala Binagahe ko na ng di na makaisa Itinuring ko nalang na pagkadapa Alalang dala habang tumatanda Hingang malalim pag nadapa Bangon at kunin ang napala Paulit ulit hanggang sa gumuhit Sa utak nila ang yong nagawa Kung di tumama ge isa pa Kung di nakuha may iba pa Wag mo sukuan sagaran sukdulan Hanggang makapuga sa ibaba Pa-unahan sa linya ng nakapila Para lang maipakita Sinagad ko hanggang sa huli na rima Na walang daplis sa kada tira Sasalampakan hanggang tumama Bakasali na makatyamba Sinubukan at di ko inaakalang Susi ay kwarenta'y kwatrong bara Dami kasing bagsak katawan Sa mga dumaang pagsubok Kaya dumating narin yung ilang gabi ko Na pagtikim walang usok Tila binalik yung dati kong tutok Kahit nilamig hindi na nagkumot Kahit matahin men sulat ka parin Kasi alam mong binasa ka pag may lukot Na balang araw ikekwento ko sa magiging anak ko at magigingapo Na hindi madali makipagsapalaran sa kapalaran depende sayo At hindi ubra kung palagi nalang iaasa sa dyos kung anonggusto mo Dapat kumilos yan ang totoo di lahat ay isusubo sayo