Sige tapangan mo lang sa tasa na Malaki Mag pakulo sa kalan Ang magulo tumabi Para di mabanlian Ang balat na makati Papalag kahit Mainit na tubig lang at Kape Sige tapangan mo lang sa tasa na Malaki Mag pakulo sa kalan Ang magulo tumabi Para di mabanlian Ang balat na makati Papalag kahit Mainit na tubig lang at Kape Ako si Aristotle makatang taga Rizal Pag may lapis at Papel tawagin mong Kriminal Kasi di pwede ang talas na tangan Pag karibal Tuwing makikipag talastasan Ay tila animal Di mahilig sa pasiklaban ang pakay lamang ay Palawigin ang kasipagan upang makasabay Sa mga bago humango Patong puwedeng tumangay Ang gamo-gamong Napaso Huwag ka lang palasuway Mas mahaba ang sungay Ay mas madaling mababali Kapag nagbibigay pugay Ka lagi mong mababawi Di na sweldo kundi karaniwan aking binali Tagalog na naiintindihan kahit anong lahi Ang timpla ko sa akin lang Matapang di matabang Laging sugurado Garantisado di malamang Binalikat pinasan mabigat di magaan Kahit di abutan ng tinapay na may palaman Sige tapangan mo lang sa tasa na Malaki Mag pakulo sa kalan Ang magulo tumabi Para di mabanlian Ang balat na makati Papalag kahit Mainit na tubig lang at Kape Sige tapangan mo lang sa tasa na Malaki Mag pakulo sa kalan Ang magulo tumabi Para di mabanlian Ang balat na makati Papalag kahit Mainit na tubig lang at Kape Inutusan ni nanay na bumili sa tindahan Gatas at asukal laruan na pinaglumaan Nang lumaon sa Maynila ako ay napadaan Isang batang mga tula ang dala nyang kayamanan Kahit dehado sa iba ako'y mukhang bagong salta Kinabisado ng husto ang kakantahin na kanta Peke na sapatos damit ko na merong mantsa Sa mga tingin na parang di ako matantsa Nakapikit na tumawid di bale pabaliktad Kahit maalikabok alam ko na makintab Ang pangarap na umaapoy naglalagablab Ang basa ko sa pangmamata ay nakakadagdag Ang timpla ko sa akin lang Matapang di matabang Laging sugurado Garantisado di malamang Binalikat pinasan mabigat di magaan Kahit di abutan ng tinapay na may palaman Sige tapangan mo lang sa tasa na Malaki Mag pakulo sa kalan Ang magulo tumabi Para di mabanlian Ang balat na makati Papalag kahit Mainit na tubig lang at Kape Sige tapangan mo lang sa tasa na Malaki Mag pakulo sa kalan Ang magulo tumabi Para di mabanlian Ang balat na makati Papalag kahit Mainit na tubig lang at Kape