Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba

Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba
Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba

Si Tikas mambabalagbag nanaman kahit na anong ilapag papalagan
Kahit na anong iwas o ilag pag winasiwas ko ang lakas ko madaming tatalaban
Wala na daw bilang, kasi may bago na sa eksena teka insulto ba yan
Hindi to pang ABC, sulat ko'y matemateka, ginugusto ng may alam
Yung pinasang beat ni BTDT, kinamehameha, napa kamot ulo nalang
Sya nung ginahasa ni ArvyT, banat na agad walang teka tekang pinakawalan
Kaalaman ay pinalago, ako at ang larangan to'y pinag tagpo
Minahal at pinandigan na parang pangalan ng babae na pinatato
Kung natunghayan alam mo ang kaya ko laman ng ulunan di matawaran
Kahit matagal na't lagpas na ng dekada to bubungan lang ang kinakalawang
Hindi maubusan ng nalalaman letrahang sa utak ko nag babanggaan
Nag sisiksikan na Para bang mga tao sa tutuban kinagabihan
Kinalakihan, ko'y dapat iba ka't di pang karaniwan, para di maliitin
Pinagsabihan, ko ang sarili, pag umatake dapat hindi bitin
Kinaadikan, ang napiling daan higit pa sa may gustong hithitin
Di na maiwan, tinuloy tuloy ang lakad kasi may gustong marating

Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba
Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba

Sabi nila sa akin noon ay ganito dapat daw aking pormat dating
Di hiniram ko yung Shaq Attack na binobombahan ng hangin kulay itim
Bagong bago pinadala sa tropa na laging may pera na kakanain
Dumadayo para lang makanta yung hinalo kong letra na sasamain
Sino mang umagaw sakin ng mic kahit nag paalam pa ng polite
Tumabi ka kung hindi mo kilalang makatang taga iligan na si Syke
Basa basa wag kang asa ng asa nagpakasasa kaya naging batugs
Lasang lasa mga baon kong naka balasa dama lang ang nagpataubs
Mga nilalang na dapat nilalang kasi ayaw nilang landas namin mag crus
Kung kaedad ko si Paul N Ballin tawag ko sa kanila ay mga na tus
Lumilipad kahit na di ko pa nahiligan ang gumanit ng chongkey o boose
I still be the lyrical criminal call me Kamekaze 'cause I got nothin' to lose
Nung ipinasa sa akin ni ArvyT ng awit nato akoy nabanlian
Kahit nag kakapilipilipit ay hindi ko kaya sya na mahindian
Wala nang madami pa na dahilan mahirap man sabihin kung kailan
Mas sigurado pa sa sikat ng araw kahit ako man ay mapapalitan

Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba
Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba

Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba
Di mapapagkaila, na pag ako'y gumawa
Enerhiyang pinapadama ay di bumaba