Magsimula tayo sa umpisa Nung araw na ang pinoporma mo ay pag-aari ng iba Kasi wala ka ng meron sila At ang dala-dala mo lamang ay panaginip na mag-isa Kahit nand'yan sila Hindi ka tutulungan Lalo't kung hawak nilang baraha'y mauungusan Mauubusan ka ng pasensya uutusan Huwag mong masyadong galingan para may kaibigan Hangad na bituwin Ay ang gusto mo rin Magkakatalo lang Sinong mas madiin Ang sulat, buhat, kupad, kunat Mga letra na 'di nila malaman ang sukat Parañaque Bicutan baba sa Alabang Sakay ng Zapote Araw na natin malamang Pero 'di pa nakahanda akong mag-abang Kahit pa ilang oras o deka-dekada lang 'Di mo alam kung ga'no kapait Kahit na anong iharang mo saki'y punit Ilan lamang ang may gusto marami ang galit Naiinggit ang mga 'di makadikit Umiinom ng tubig upang hindi masamid Tila galing sa bukas bakit sobrang ahead Daanin man sa kung ano ang suot mong damit Sinusungkit, respeto na inuumit Hindi ko naisip, ang paniginip ko'y may kahulugan Yung araw lumilim saking napiling papel sa palabunutan Pati pato sinugal, said kahit maling galaw Balik tanaw, sa panahong lahat ay isang balintataw Balikan natin ang istoryang, nabuo sa kanto Bata na hinasa, ni Jomer Adriano 'Di ko akalaing aandar ang mga plano Nang dahil sa tula nakasakay sa eroplano Pagiging bago ay parteng nakakatarantado Karanasan na halos lahat ay maisumpa mo 'Pag bagong salta ka buong paligid ay hurado 'Pag hawak mo'y alas, tiyak hindi ka imbitado Tablado palage sarado't may tali kabado masahe 'Pag talo maraming ganado mangyari Napakaraming aangkin ng pananim mo 'pag lumalago Buhaya'y dumadami 'pag 'yong b'yahe mo lumalayo 'Di mo alam kung ga'no kapait Kahit na anong iharang mo saki'y punit Ilan lamang ang may gusto marami ang galit Naiinggit ang mga 'di makadikit Umiinom ng tubig upang hindi masamid Tila galing sa bukas bakit sobrang ahead Daanin man sa kung ano ang suot mong damit Sinusungkit, respeto na inuumit Ako'y alipin ng sining nananatiling gutom Nung umulan ay musika aking napiling bubong Mapudpud man ang gulong ay aandar saan man dako Sa daming nanabla nung mahabla naging pamato Pangako na napako naitago sa malayo Mga sulat na nilako napahalo sa malabo Tinuring na praning, hindi uusad papanhik Nung ako 'yong gumaling lahat sila nagkasakit O nagbabaga 'di mahawakan o makalapit Kung kailangan mo ng tulong, tawagin mo ko ulit Siguraduhing na matibay ang pagkakadikit Kasi nahuhulog ang mga sabit na makulit Dahil dito ang pulido lang ang mismo Pinaghihirapan kahuli-hulihang piso Tuwing tinatanong ba't wala akong apelyido Tandaan mo na ako si Ginoong Pollisco Di mo alam kung ga'no kapait Kahit na anong iharang mo saki'y punit Ilan lamang ang may gusto marami ang galit Naiinggit ang mga 'di makadikit Umiinom ng tubig upang hindi masamid Tila galing sa bukas bakit sobrang ahead Daanin man sa kung ano ang suot mong damit Sinusungkit, respeto na inuumit