I'm 39, right? And I still love rappin', I love rappin' But I'm tired of defending it Hoy Gloc 9! Hoy! Ano sa tingin mo? Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari 'to Ang pag-uusap ng pinakamalupit sa mikropono May sasabihin ako pero atin-atin lang 'to Hoy Loonie! Hoy! Ano sa tingin mo? Ano sa tingin ko baka 'di nila kayanin 'to Dalawang dila na magsingtalas halika pakinggan mo Para maintindihan mo kung bakit laging gan'to Alam mo tol matagal ko nang gustong itanong Bakit musika nati'y laging nasa labas ng bubong Kahit napakarami ang nagsasabi na "You're da best!" Bakit 'di ka namin nakikita sa Oktoberfest Baka barado lang ng plema Ang saradong mga tenga, teka Kailan pa nga ba magbabago ang sistema Na bulok at parang merong nakabalot na eczema Ginagago ang mga nagtatalog sa eksena Aaminin ko marami talaga ang 'di pulido At nagmumukang gago 'pag humahawak ng mikropono Meron pang disipulo, maangas at matipuno Pakinggan mo ang awit niya, bakit parang hindi puno Hindi puno kasi walang laman ang mga kukote Ang utak ay puro lupa, na parang bakanteng lote Puro putik at burak pwedeng taniman ng kamote Nung umulan ng katalinuhan sila yung nakakapote Hoy Gloc 9! Hoy! Ano sa tingin mo? Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari 'to Ang pag-uusap ng pinakamalupit sa mikropono May sasabihin ako pero atin-atin lang 'to Hoy Loonie! Hoy! Ano sa tingin mo? Ano sa tingin ko baka 'di nila kayanin 'to Dalawang dila na magsingtalas halika pakinggan mo Para maintindihan mo kung bakit laging gan'to 'Di pinapatugtog ang awit kapag hindi ingles Kahit na tunog kanluran, bakit nakaka depress yes Alam na nila kung sino ang tinutukoy Kasi may mga awit na malambot pa sa okoy ang nasa kanilang playlist Pero bakit tunog luma'ng kanilang laylist Walang pananampalataya parang athiest 'Di na kailangang sabihin ang aming alias, we are the craziest Sagana sa kalokohan, kapos sa katinuan Pero seryoso na ako tapos na ang biruan Kamusta na si Juan Tamad nasa bayabasan Kahit baliktarin ganun pa rin nasa bayabasan Wala na bang ibang mga panibagong paksa Puro na lang ba tungkol sa 'ting paralisadong bansa Pinamumugaran ng mga buwaya at alimangong bakla Kaya industriya ng musika siguradong plakda Hoy Gloc 9! Hoy! Ano sa tingin mo? Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari 'to Ang pag-uusap ng pinakamalupit sa mikropono May sasabihin ako pero atin-atin lang 'to Hoy Loonie! Hoy! Ano sa tingin mo? Ano sa tingin ko baka 'di nila kayanin 'to Dalawang dila na magsingtalas halika pakinggan mo Para maintindihan mo kung bakit laging gan'to Kung wala kang pangmasa, wag ka na magbasa Kahit anong galing mo pa wala kang pag-asa Na parang ang buhay mo'y tinaningan ng doktor Na di naman nakapag aral isa lamang impostor Mga mapagbalatkayo, lahat kayo ay tutumba At kahit na magmumog ka wala ka pa ring ibubuga Sino ka? Oo nga pala kilala na kita Pwede mo ba akong tulungan sige idol na kita Hoy! Wag ka na lumapit, wag ka na magtanong kung bakit Istilo mo ay mas laos pa sa maong na jacket Na mabaho at ginamit ng sandamukal na panget Bato bato sa langit ang tamaa'y wag magalit Galing ng dila ay doble, bokabularyo at palarila Tagalog o ingles sasampalin ka ng magkabila Matatapos na kami ako ang nasa huli Pero wag ka mag-alala dahil eto na track 3 Next!