Di mo alam
Kung gano ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang
Ikaw ang Langit ko
Mag mula noon

Dito nalang
Ika'y pupuntahan san man naroon
Dahil ito lang
Ang pangarap ko na natupad (ngayon)

Maliwanag ang sikat ng araw
Kulay asul ang langit
Sino may walang makakaagaw
Iyong mga Kamay ang kapit

Kahit ulanin man o umaraw
Kapag malayo ay lalapit
Dibdib ko'y nag uumapaw
Kayakap ka yan ang sagot sa bakit
Pero

Di mo alam
Kung gano ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang
Ikaw ang Langit ko
Mag mula noon

Dito nalang
Ika'y pupuntahan san man naroon
Dahil ito lang
Ang pangarap ko na natupad (ngayon)

Ayaw ko nang gumising pa
Pagkat ngayo'y kapiling ka
Ayaw ko nang gumising pa
Kapag ika'y kayakap na

Dampi ng yong balat init tuwing nasaking tabi
Madilim may maaaninag mo ang aking ngiti

Halakhak ng tibok ng puso kong nakakabingi
Kaligayahang dala mo na hindi nabibili

Bukal ng labi mo lamang ang tanging makakapukaw
Kahit magunaw natutunaw
Lumulusaw ng uhaw

Ang halimuyak ng bulaklak mo
Kahit walang pabango
Hinahanap hanap ko
Pagkalasing sa alak mo

Kung alam mo lang ang syang nararamdaman ko
Kapag akoy tinititigan nitong mga mata mo

Walang lugar ang gustong puntahan sa piling mo lamang
Malayo man o malapit kahit ano pang iharang

Lahat ay kakayanin bubuhatin sakin
Iatang
Ikaw ang ikinakatakot at hugutan ng tapang

Sa mga bisig ko ay iingatan dito ka lang
Kahit ano pang bumangga
Harap man o paharang

Mahulog man sa bangin
Ang kotseng sinasakyan natin
Galing banaue hinahawi
Dumadagan na buhangin

Hindi ako mumulat
Ilang beses man na tawagin
Di bibitawan ang pangako na simumpaan natin

Bat ako lamang mag isa
Naisalba walang iba
Bakit pa iniwan ka rin naman pala nila

Ayaw ko nang gumising pa
Alam ko na wala ka na
Ayaw ko nang gumising pa
Sa katotohanan na