Anong pwede kong sabihin? Sa dami ng gusto 'kong patigilin Nag-aabang na matalisod 'di kayang pigilin Mga itinanim, gustong makatikim Kahit hindi naman sila ang nagpakaitim Kung 'di mo diniin tumabi-tabi ka rin Mahirap humanap kaibigang 'di ka tataluhin Sa lugar na ang sayo ay gusto rin nila Kung tanghali kang gumising ay pumila ka Hindi sapat ang magaling dapat handa ka rin Na matulog ng dilat ang mata sa dilim Dahil ang pahinga'y para lang sa mga talunan Mga nauuna lamang ang gustong maabutan Mga nasa huli, inggit ay binalutan Mahahaba na kuko ikaw ay gagalusan Ng regalo para ba makaakbay sayo Aapiran ka kunwari magkasabay kayo Masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming regalong mamahalin kahit di naman kayo Kaya halika na sa byahe, huwag ka nang umarte Heto na ang guro mo, sige upo sa klase Lagi kang tingala pero paatras ang diskarte Matutong yumuko sa lupa para umabante Di 'to tulad ng dati, laging hindi kasali Sahod ay di na bale, ang konti ay dumami Batikang medyo dyahe, may paninda palagi Hindi nauubusan tubo na walang lyabe Pag kumamada pantay ang salang walang sablay Parang pamadang pinalitada at sinuklay Pasok ang bara 'di sumasala tuwing uunday Palaging kara itong kartada walang humpay Walang humpay na parang trapik dito sa 'pinas Kailan magiging isang hugas lamang ang bigas Punong hitik na iilan lang ang pumipitas At ganon talaga ang laging sagot na likas Parang papaya wag kang madaya ang magparaya Syang dapat na hinog at laging pinapaubaya Sa may kailangan at naharangan ay makalaya Marami na ang syang namatay sa maling akala Kaya bago ko pa tapusin ang tulang ito Hayaan munang kayong lahat ay awitan ko Ng isang tono na no'ng napanaginipan ko Pinilit ko na matandaan at masulat 'to Diba ikaw yung makata na kumakamada Iba't ibang letra na ibinebenta Kasi dito samin walang mumurahin Para may makain kailangang hasain Nakilala ka na, gusto mo ano pa? Ingat kasi baka bigla kang madapa May mga nauna bakas ng mga paa Gamitin ang 'yong mata para alam mo na Heto na'ng mekaniko Teka, ano'ng problema ilabas mo na ang pyesa Magkanong bayad sige ilapag mo sa mesa Bawal ang maarte para kang tumanggi sa— Tanggapin mo na kesa— Nakilala ka na, gusto mo ano pa? Ingat kasi baka bigla kang madapa May mga nauna bakas ng mga paa Gamitin ang 'yong mata para alam mo na