Yeah, ginoong B-Roc You better make sure every kid in the street hear this song, man Yeah Pakinggan niyo ang lyrics Listen Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo Papasok ka sa eskuwela, manghihingi ka ng baon Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat Ngunit sa 'yong isipan ay may nabubuong alamat Ng isang makatang laging titingalain ng lahat Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang 'Di mo hahayaang pigilan ang 'yong bawat hakbang Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay At walang makakapigil, kahit minsan ay parang Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran Ngunit alam mo na ito ang dapat mong gawin Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin Uunahan na kita, ngayon ay makinig ka na May panahon na para bang nagkamali ka ng pasya At tila ang lahat ng tao sa iyo ay nakangisi Maging ang magulang mo'y ikaw lang ang siyang sinisisi Pero huwag kang magalit, 'yan ay natural lamang Tanging nais nila'y siguradong kinabukasan Na para sa 'yo dahil ikaw ay kanilang mahal Kaya't pakinggan mo ako, magtapos ka ng pag-aaral Dahil 'di nanganganak ng perang lapis at papel Puwera na lang kung anak ka ng may-ari ng San Miguel Biglang magkakaro'n ng album, mga kotse ni Luda At kasing sikat mo ang rapper na si Allan Pineda Pero 'di kayang bayaran ng pera kahit magkano 'Pag pinapatugtog ng bata ang awit mo sa radyo Ngayon ay alam mo na kung ano'ng dapat mong gawin Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin Maniwala ka sa 'kin dahil ako ay ikaw rin Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin Maniwala ka sa'kin dahil ako ay ikaw rin Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, sige, huwag mong tigilan Kung ika'y nasa baba, taas lang ang patutunguhan Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas Na ang siyang dapat mong bitawan, 'yan ang dapat mong gawin Maniwala ka sa'kin dahil ako ay ikaw rin