Ikaw na naman, 'di ba kalalabas mo lang Kung magsulat ka ng kanta, laging binibilisan Parang lupang 'di tigang sa letra mong binang Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang Hindi naman super lolo pero bakit sumasabog Ang lahat nakuha mo kahit 'di makapal ang apog Pinagmanhik-manaog, ibang klaseng tagalog Parang alta-presyon sa kumakapal na batok Tapos na'ng biruan walang pala-palabok Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pagsalok Magpahagod 'pag napagod 'pag dumagok magpadagok Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok Ang bata na inaral ang abakada E ga ha i la ma na nga o pa ra sa ta o wa ya Kung 'di makasabay sa aking maka-kaya Bumaba ka sa aking pasada mama para Ibalik ang bayad sumayad ang speaker sa lakas Ng tunog lumubog ang mga mapangahas Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid Sino ang magaling? Palaging sumisigaw Sa loob ng kaing na may kaiburong na manggang hilaw O kandilang tunaw o itak na bingaw 'Pag pinagsama natin ang mga yan, oo ikaw Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw Ngunit salamat sa hindi nadadala sa akin Pero aamin ko nakakapanghinayang Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan Ang muka mo, di na bagong kabisado na tula to Sa muka mo, itaya mo, pati pato, ano kamo Bawat cd'ing nabenta mo wala pang limang piso Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo Pero ayos lang kasi ito ang 'yong pinagdasal 'Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal Mga nakakarinig sila ang suma total Pagkakataong humukay ng panibagong bukal Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap Kahit ano mangyari wag kang bibitaw sa yakap Yan ay hindi patapon Ilabas mo sa kahon Mga letrang mamantika, malasa pa sa hamon Hayaang ipasa ko sayo ang pagkakataong Masabi ang mga saloobin simula pa no'n Ikaw naman