Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda Maging sa ugali maging sa kumilos Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso maging sa pag-irog May tibay at tinig ang loob Bulaklak na tanging marilag ang bango ay humahalimuyak Sa mundo'y dakilang panghiyas pang-aliw sa pusong may hirap Batis ng ligaya at galak hantungan ng madlang pangarap 'Yan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta Maging sa ugali maging sa kumilos Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso maging sa pag-ibig May tibay at tinig ang loob Bulaklak na tanging marilag ang bango ay humahalimuyak Sa mundo'y dakilang panghiyas pang-aliw sa pusong may hirap Batis ng ligaya at galak hantungan ng madlang pangarap 'Yan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta 'Yan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta