Kay tagal na nang ako'y iwan mo
Limot ko na sa sandaling ito
Nahilom na ng panahon
Ang sugat sa 'king pusong naninimdim

Ibig ko lang ngayong malaman mo
'Di ako tulad ng akala mo
Kahit ngayong wala ka na
Kaya ng dibdib kong mabuhay nang mag-isa

Sanay akong mabigo, sanay akong nagdurusa
Habang ang puso ko'y may lungkot na nadarama
Sanay ang mata kong lumuha 'pag nag-iisa
Nasanay nang lumisan ka, sinta