Binighani mo ako at iyo pang pinaasa
Naniwala pa ako na ako'y iyong mahal
Buong puso pa namang pag-ibig ko'y nagtiwala
Nang maglaon nabatid kong 'di ka na malaya

Mapagbirong pag-ibig, huwag mo akong paglaruan
'Pagkat ang damdamin kong ito'y labis mo nang sinasaktan

'Pagkat ang kailangan ko ay isang tapat na pag-ibig

Ano kaya ang gagawin ngayong aking mabatid
Ang puso mo pala'y wala nang laya?
Hahayaan ko pa bang tayo'y kapwa magkasala
Kung mayro'ng isang damdamin na siyang luluha