Maalaala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang 'di magmamaliw?
Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago
Sa iyong pagmamahal? (Pagmamahal, pagmamahal)
Hinding-hindi giliw ko (Hinding-hindi)
Hanggang sa libingan
O, kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay 'di na mapaparam

(Maalaala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang 'di magmamaliw?)
Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago
Sa iyong pagmamahal? (Pagmamahal, pagmamahal)
Hinding-hindi giliw ko (Hinding-hindi)
Hanggang sa libingan
O, kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay 'di na mapaparam