Hanggang ngayon ay mahal pa kita
Kahit ako ay nilimot mo na
'Di mawaglit sa alaala
Ang mga sandaling namagitan sa atin

Hanggang ngayon, umaasa ako
Kahit mayro'n kang ibang minamahal
'Pagkat walang iba sa akin
Kundi ang iyong pagmamahal

Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik
Umaasang ika'y muling makakamit
Daing ng pusong umiibig
Laang maghintay at laang magtiis
Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik
Umaasang ika'y muling makakamit
Daing ng pusong umiibig
Laang maghintay at laang magtiis

Hanggang ngayon, umaasa ako
Kahit mayro'n kang ibang minamahal
'Pagkat walang iba sa akin
Kundi ang iyong pagmamahal

Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik
Umaasang ika'y muling makakamit
Daing ng pusong umiibig
Laang maghintay at laang magtiis
Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik
Umaasang ika'y muling makakamit
Daing ng pusong umiibig
Laang maghintay at laang magtiis

Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik