Sa buhay ko'y labis ang hirap at pasakit Ng pusong umiibig, mandi'y wala ng langit At nang lumigaya, hinango mo sa dusa Tanging ikaw, sinta, ang aking pag-asa Dahil sa iyo, nais kong mabuhay Dahil sa iyo, hanggang mamatay Dapat mong tantuin, wala nang ibang giliw Puso ko'y tanungin ikaw at ikaw rin Dahil sa iyo, ako'y lumigaya Pagmamahal ay alayan ka Kung tunay mang ako ay alipinin mo Ang lahat ng ito'y dahil sa 'yo Ang lahat sa buhay ko'y dahil sa 'yo