Aray! Diyos ko, saksakan nang hapdi Dati'y ako lang ang tinatangi Ngunit ngayon ay mayroon nang kahati 'Di ko tuloy mapigil ang hikbi Naglaho na'ng aking mga ngiti Sawa naman ngayon sa pighati Halos umagos na ang luha sa aking pisngi Heto pala ang buhay ng sawi Aray! Tadhana ay kay lupit Bakit iyong isa ang masidhi Samantalang ako'ng nauna Ba't naging pangalawa? Diyos ko, aray! Palusot lamang pala Ang iyong pagmamahal sa akin Kahit ginto ang aking damdamin Aray! Tadhana ay kay lupit Bakit iyong isa ang masidhi Samantalang ako'ng nauna Ba't naging pangalawa? Aray! ba't mo ako ginanito Nilason mo ang buong isipan ko Ako'y sa 'yo pa rin kahit pa kanya ka na Aray! Basta't ikaw ay sasaya Aray! Basta't ikaw ay sasaya