Ako ay nagmahal sa 'yo at nagtiwala
Dahil sa akala'y tapat ang 'yong sumpa
Ikaw ay sinumpa nitong pusong dakila
Bakit mo natiis at winalang-bahala?

Ako ba'y laruan ng puso mo, giliw?
Dahil sa pag-ibig ay naging alipin
Ako ba'y laruan ng iyong damdamin?
Nasaan ang sumpang ako'y mamahalin
Ako ba'y laruan ng puso mo, giliw?
Dahil sa pag-ibig ay naging alipin
Ako ba'y laruan ng iyong damdamin?
Nasaan ang sumpang ako'y mamahalin

Ngayo'y nag-iisa at lunod sa lumbay
Sa araw o gabi, luha ang karamay
Kung ito ang wakas at tangi mong alay
Puso ko ay laan na sa 'yo ay maghintay

Ako ba'y laruan ng puso mo, giliw?
Dahil sa pag-ibig ay naging alipin
Ako ba'y laruan ng iyong damdamin?
Nasaan ang sumpang ako'y mamahalin
Ako ba'y laruan ng puso mo, giliw?
Dahil sa pag-ibig ay naging alipin
Ako ba'y laruan ng iyong damdamin?
Nasaan ang sumpang ako'y mamahalin

Ako ba'y laruan ng puso mo, giliw?
Dahil sa pag-ibig ay naging alipin
Ako ba'y laruan ng iyong damdamin?