Ikaw ang liwanag pagkatapos ng ulan Ikaw ang umaga ng gabing nagdaan Ikaw ang nagtakda ng simula'y katapusan May tangan ng ngayon at kalianman Ikaw ang pag-ibig na hindi magwawakas Ang ilaw at patnubay sa liku-likong landas Ikaw ang tagsibol sa panahon ng taglagas Pagsuyo Mo'y busilak at wagas Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat Ang alay Mo'y patawad 'di man ako karapat-dapat Ikaw ang kaibigan kong tapat Ngiti Kang papawi sa luhang papatak Natatagong galak sa likod ng pag-iyak Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat Ang alay Mo'y patawad 'di man ako karapat-dapat Ikaw ang kaibigan kong tapat Ikaw ang kaibigan kong... tapat