Saan ka nanggaling ba't ngayon lang kita nakilala
Tila bumibilis ang oras pag ikaw ay kasama

Tinig ay nanginginig bigla na
Lang nanlalamig
Ah, lumalayo na

Anong nangyari dito
Sino sa atin ang nagbago
Maglakbay sa simula
Balikan natin ang dating mundo

Lumapit-lapit para pagmasdan ang iyong bakuran
Nagunaw ang planeta ng mga gintong halaman

Wala kasing nagdidilig
Bigla na lang umiibig
Ah, bumabalik na

Anong nangyari dito
Sino sa atin ang nagbago
Maglakbay sa simula
Balikan natin ang dating mundo

Lumingon sa umpisa
Sino sa ating dal'wa