Sampung buwan 
Na akong hindi natutulog
Kasi naman 
Ang ingay ng aming kapitbahay 
Pag gabi 
Discohouse at videoke
Kaya sorry na lang 
Kung wala sa aking sarili
Mahal kita 
Pero miss na miss na miss
Ko na 

Ang aking kama
At ang malupit kong unan
Ba't di ka na lang sumama
Hihiga tayo at
Kakanta

Masarap matulog 
Lalong lalo na pag umuulan 
Huwag kang matakot 
Sa pungay ng aking mga mata
Napuyat lang 
Nang magyaya si Medwin kagabi
Sa kanila 
Kami'y nagkantahan ng 
Muntik nang maabot ang langit
Kaya nama'y ngayoy
Nasasabik 

Ang aking kama
At ang malupit kong unan
Ba't di ka na lang sumama
Hihiga tayo at
Kakanta

(sige na naman...)

Mahal kita
Pero miss na miss na miss ko na

Ang aking kama
At ang malupit kong unan
Ba't di ka na lang sumama
Hihiga tayo at
Kakanta

Sa aking kama
At ang malupit kong kumot
Ba't di ka na lang sumama
Hihiga tayo at
Kakanta

Hah...