Kanina pa naghihintay dito
Buti naman napadaan kayo
May ilang
lumalangoy-langoy
na kwento
Naririnig mo ba
May nakikinig kaya

Dahan-dahan 
Madilim ang daan
Mag-ingat baka may masagasaan

Maniniwala ba sa sinasabi
Ibang binubulong ng
iyong mata
Ano ang susunod anong
gustong mangyari
Naiinip ka ba
Naiinis ka ba

Dahan-dahan
Madilim ang daan
Mag-ingat baka may masagasaan

Lumingon sa likod
Mayroon pa bang sumusunod
Pag masyadong malalim 
Pati ika'y malulunod

Lumingon sa likod
Mayroon pa bang sumusunod
Pag masyadong malalim 
Pati ika'y malulunod