Lapit, ligtas ka na sa aking piling Malayo sa lumbay Kaya't buksan na ang pinto ng 'yong puso 'Di na, 'di mo na kailangang mag-isa Tapos na ang gulo Kaya't isara na ang bintana ng duda Wala nang ibang maipapangako Kundi habang ako ay nandito 'Di magwawakas maligaya mong bukas Porselana mong puso, iingatan ko Lapit, ligtas ka na sa aking piling May karamay ka na sa hirap at ginhawa Sa bawat Luha't tuwa Halika, 'wag mabahala kung ika'y maligaw Hayaan mo akong maging ilaw Kandilang gabay mo sa dilim Wala nang ibang maipapangako Kundi habang ako ay nandito 'Di magwawakas maligaya mong bukas Porselana mong puso, iingatan ko