Hindi na ba
Kayang ayusin
Hindi ba pwedeng
'Wag na lang tapusin
Naubos na ba ang 'yong lakas
Kailangan ba 'tong magwakas
'Wag mahiyang sabihin sa 'kin
Ako na ba'y 'yong lilisanin
(Hmm)

'Di na ba sapat
Huli na ba ang lahat

Oh, aking sinta
Kumapit ka muna
Ipilit natin na
Tayong dalawa

Nasan na bang 'yong mga pangako
Lahat-lahat biglang naglaho (sa'n ba napunta, ahh)
Wala na bang natitirang (wala na bang pag-ibig)
Pag-ibig kahit konti lang

'Di na ba sapat
Huli na ba ang lahat

Oh, aking sinta
Kumapit ka muna
Ipilit natin na
Tayong dalawa

Oh, aking sinta
'Wag ka munang kumawala
Pilitin natin na
Tayong dalawa

Oh, aking sinta
Pinapalaya na kita
'Wag na nating ipilit pa
Na tayong dalawa