Iba't ibang anino, pare-parehas ang anyo Sari-saring kwartong bubukod sa isipan mo Nasimot na ang yago, hanggang kailan ka yuyukdo? Mula sa matakip-silim na maskarang ginamit mo, mm, oh Magdiriwang sa silid nakapikit, nakakubling magsasayaw Wala ka nang matatanaw, bawat padyak hatid ay ligaw Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara Tumatalukbong sa pekeng anyong Mistulang pagong, ang sarili kulong Halong sagot at tanong ang bulong Ng taong puti o itim ang barong Magsusuot ng maskara, karamihan sa kanila Hahamakin ang isa't isa animo'y anino Magsusuot ng maskara, karamihan sa kanila Hahamakin ang isa't isa animo'y anino niyang Nagdarasal, nangungumpisal, magandang asal, gawaing moral Silang maraming daldal, mga hinalal oh, mga hangal Nagbubulag-bulagan sa taimtim na buwan Mga bula-bulaan nagsama sa isang dula Wala ka nang magagawa, mabubura ang maskara Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara