Kahit nakapikit mata, naririnig kita Kahit nakatakip tainga, nakikita kita Hindi ako perpekto katulad ng iba Pero kahit naka Pinapaikot ng mga lumot, 'yung mga utak kinukurakot Pag hindi ka natakot Ika'y isasapot, gobyerno ang surot, bansa ating kumot Puro dada, wala sa gawa, sige ngiti, 'di nakakatuwa Mga puro pangako, lahat butata, ubos na pasensya naming madla Kumakalam na 'yung mga sikmura, biglang papasok oportunista Kakalimutan ka para sa pera, pakikisama, 'yan ang binebenta Didiretso ka paba sa ating liko-likung sistema o sasama ka sa akin puksain ang epidemya? Na lumaganap, nagpahirap sa mahirap Tumatapos ng pangarap, 'di na mahagilap 'yung mga ulap Habang tayo'y naghihirap, sila, sige sa pagkalap ng yaman na dapat panglingap sa ating mahihirap Hindi ko nilalahat Hindi lahat nagkakalat Sa dami ng hayop sa gubat, alam ko hindi lahat nangangagat Silipin mo sa daksipat, makikita sinong tapat Hindi sapat ang iyong mata, pagkat hindi kapa mulat Kahit nakapikit mata, naririnig kita Kahit nakatakip tainga, nkikita kita Hindi ako perpekto katulad ng iba Pero kahit nakapikit mata, naririnig kita