Nangingibabaw ang 'yong enerhiya Kahit na marami pang iba Aking nais na mahatak Tanging ang iyong mata, baby Dapat bang lapitan ka? O pigilan ang nadarama? 'To na ba ang una't huli kong tyansa? (Hey) Kahit na hindi ka pa kilala 'Pag nand'yan parang lahat ay tama Anong kasalukuyan na iniisip? Ibig kong makapasok sa iyong mundo Nang walang ibang gumugulo Nang bigla kang lumapit sa'kin Isa lang ang gusto kong malaman Handa ka bang sumama kahit sa'n man abutan? Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah Kahit 'di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na Sa titig mo, alam ko na kahit 'di ka na magsalita Kitang-kita sa mata, aura mo dama Saktong nagtugmaan tayong dalawa Papalagpasin pa ba natin 'to? Kung gusto ko 'yung gusto mo? Tara gawin natin 'yung dapat, wala dapat makaawat Ituloy mga binabalak, sa kamay ko ay humawak Sa kalawakan ang byahe, ang bilis ng mga nangyari Swabe, wala nang masabi, hinto At kung sakaling maulit mga ganitong klaseng tagpo Sana makilala mo pa rin ako, alam mo na Sa kalawakan ang byahe, ang bilis ng mga nangyari Swabe, wala nang masabi, hinto At kung sakaling maulit mga ganitong klaseng tagpo Sana makilala mo pa rin ako Isa lang ang gusto kong malaman Handa ka bang sumama kahit sa'n man abutan? Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah Kahit 'di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na Gusto kita, ako ay mapasaiyo At mapag-isa ang damdamin natin Sabihin mo sa'kin kung ano'ng kailangan kong gawin Kahit ano mapasa'kin ka lang, dito sa'kin Hanggang mag-umaga hawak-hawak ang iyong kamay Parang isang romantikong pelikula Sa isang tingin pa lang, 'di kailangang pag-usapan pa 'Yung tipo na alam mo na Isa lang ang gusto kong malaman Handa ka bang sumama kahit sa'n man abutan? Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah Kahit 'di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na Isa lang ang gusto kong malaman Handa ka bang sumama kahit sa'n man abutan? Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah Kahit 'di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na Baby ay alam ko na, baby ay alam ko na Kahit 'di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na