Nalimot na nga ba ang ating pangako Na tayo'y magsasama sa hirap at ginhawa Ating tinapon tamis ng kahapon Tiwala'y naglaho, kaya pa bang magbago Ito pa ba'y dapat ipaglaban Kung tayong dalawa ay nasasaktan lang Alipin ng ating nakaraan Dapat pa bang paglaban ang ating nadarama Dapat na bang limutin at humanap ng iba Puso'y nahihirapan ng hanapin ang saya Dapat pa bang ibigin ka? Dapat na bang limutin na? Tayo pa nga ba ang para sa isa't isa Kay daming pag-ibig na pinalipas na Pilit binubuhay ang pag-asa Sa puso nating siyang naglaho na Siguro nga tamang sumuko na Bakit pinaglalaban pa'ng ating nadarama Ba't 'di na lang limutin at humanap ng iba Puso'y nahihirapan ng hanapin ang saya Dapat pa bang ibigin ka? Dapat na bang limutin Ang bawat yugto't kwento ng ating pagsasama Ay tila nandito na sa huling pahina Ang masayang pagwawakas ng pag-ibig na wagas Ay nalimot at ating pinalagpas Dapat pa bang paglaban ang ating nadarama Dapat na bang limutin at humanap ng iba Puso'y nahihirapan ng hanapin ang saya Dapat pa bang ibigin ka? Dapat na bang limutin, limutin na Dapat pa ba?