Minsan kung kailan hindi hinahanap, saka darating
Ang mga gabi na walang kayakap, ngayo'y di na mauulit

Oras ay humihinto
Puso'y bumibilis ang tibok
Ang iyong mga mata'y parang tala
Di ko akalain na ikaw na pala

Ikaw ang sagot sa panalangin
Ikaw ang tanging iibigin
Kahit na ano pang pagdaanang bagyo
Pangako ko'y di ka iiwan, di lalayo
Ikaw ay akin, at ako'y iyong iyo

Hoooh hoooh

Ngayo'y nahanap na
Natagpuan ang aking tadhana
Oh kay tagal ko nang hiniling to kay Bathala
Ngayon ay nasa harap ko na

Oras ay humihinto
Puso'y bumibilis ang tibok
Ang iyong mga mata'y parang tala
Di ko akalain na ikaw na pala

Mga kama'y magkahawak
Sa ilalim ng mga ulap
Pangako ko sa'yo
Ako'y iyong iyo

Sa mga pagsubok na dumating
Di ka iiwan, kahit sa dilim
Pangako ko sa'yo
Ako'y iyong iyo
Magkapakailanman