Paano mo nagagawa?
Na ako'y kayakap mo pero iba ang nasa isip

Kung kaya'y nag-iiba
Ang turing mo sa'kin pag tayo'y nakikitang magkasama

Unti-unting bumibitaw
Mga mata'y malayo ang tanaw
Hanggang kailan
Hanggang Saan
Kita ipaglalaban

Sabihin mo lang
Kung di na ako ang laman ng puso mo
Pagod na sa kaiisip, napapa-isip
Kung ano bang tinatago mo

Bibitaw na
Hindi na aasa sa wala
Di na magpapadala
Sa mga matamis mong mga salita
Ako ay bibitaw na na na na na
Ako ay bibitaw na na na na na
Puso'y pinagod mo na na na na na
Ako ay bibitaw na, woah

Sinabi mo na akin lang
Ang puso't isip mo sa habang buhay magpakailanman

Pero ngayon
Lahat ng meron satin ay tinapon at binalewala

Unti-unting bumibitaw
Mga mata'y malayo ang tanaw
Hanggang kailan
Hanggang Saan
Kita ipaglalaban

Sabihin mo lang
Kung di na ako ang laman ng puso mo
Pagod na sa kaiisip, napapa-isip
Kung ano bang tinatago mo

Bibitaw na
Hindi na aasa sa wala
Di na magpapadala
Sa mga matamis mong mga salita
Ako ay bibitaw na na na na na
Ako ay bibitaw na na na na na
Puso'y pinagod mo na na na na na
Ako ay bibitaw naaaa woah

Hindi ba't sinabi mo sakin na ako lang ang iyong mahal?
Dati-rati tayong magkayakap pero ba't ngayon ay nasasakal
Nagkulang ba ako?
Binuhos sa iyo lahat ng pagmamahal ko

Bibitaw na
Hindi na aasa sa wala
Di na magpapadala
Sa mga matamis mong mga salita
Ako ay bibitaw na na na na na
Ako ay bibitaw na na na na na
Puso'y pinagod mo na na na na na
Ako ay bibitaw na, woah