Magpapalunod ba sa dilim
O titingin sa mga bituin
Tutulugan ang gabi
O ito'y aangkinin
Ipapabukas ko na lang ba ulit

Siya na lang bang magdidikta
Ng aking pulso at paghinga
'Di alam ang gagawin
Gulo ba'y haharapin
Tatakbo o dapat bang tiisin

Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng 'yong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Naaarawan na ang sakit
Umagang tila nanlalambing
Ako'y babangon na muli
Nang hindi nakapikit
Tumatamis na ang lahat ng pait

Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng iyong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh

'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Mga silid sa bahay ng ating damdamin
'Di na muling papatinag sa dilim
Lalakasan ang himig ng mga salamin
Palayain mga sigaw sa dingding

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok

'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh

'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo