Laman ng isipan Nabubusog ako tuwing ikaw ay nasisilayan Pinuno mo ng kulay at ng liwanag ang buhay Ngayon nahihirapan sa'yong biglang paglisan Gabi-gabing nangungulila Araw-araw ay lumuluha Kahit na ano pa ang mangyari Asahan mong ako'y nandito lang Kahit na ako'y magmukhang tanga Maghihintay pa rin sayo sinta Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta Maghihintay pa rin lahat ay gagawin Laging inaasahan Sa paglipas ng araw ika'y muling matatanaw Halik at mga yakap mo ang hinahanap hanap Hangganan ng pag-asa'y aking pinapangarap Gabi-gabing nangungulila Araw-araw ay lumuluha Kahit na ano pa ang mangyari Asahan mong ako'y nandito lang Kahit na ako'y magmukhang tanga Maghihintay pa rin sayo sinta Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta Maghihintay pa rin lahat ay gagawin Oo masakit ang umasa sa wala Pero para sakin mas masakit kung tuluyan ka nang mawawala Pagkat magmula ng mawala ka sa sarili parang nawala na Gustuhin ko man na magwala alam kong wala ng magagawa pa Tiwalang pinagkatiwala mo sakin ay nawala na Nauwi sa wala magmula ng nawalan ka ng gana Tila ba balewala na ang lahat ng kumawala ka Pero sa gitna ng kawalan ay di nawalan ng pag-asa Na magsasama pa tayong muli, tayo uli sana di pa huli Na maituwid ang aking mali, na maibalik ang dating ngiti Ng labi mo yan ang nais ko, patawad kung sa tingin mo'y labis to Pero wala na kong iba pang ginusto ng husto bukod sa iyo Anu man ang sabihin nila kahit mukha ng tanga Alam mong nag-iisa ka, di ka dapat mag-alala, di na to mag-iiba pa Ikaw ang laman, ikaw lang naman, lagi mo yang tatandaan Handang patunayan tunay na pag-ibig kahit kung muling pagbibigyan Kahit na ano pa ang mangyari Asahan mong ako'y nandito lang Kahit na ako'y magmukhang tanga Maghihintay pa rin sayo sinta Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta Maghihintay pa rin lahat ay gagawin Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta Maghihintay pa rin lahat ay gagawin Ohhh… woahhh… yeah… Ikaw ang laman, ikaw lang naman Ikaw ang laman, lagi mong tatandaan Ikaw ang laman, di na pakakawalan Ikaw ang laman, pangako ko sayo yan Ikaw ang laman, di ka mapapalitan Ikaw ang laman, sanay lagi kang nandyan Ikaw ang laman, kahit na nasan ka man Ikaw lamang…