Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay sadyang 'di magmamaliw?
Kung nais mong matanto, buksan ang aking puso
At tanging larawan mo ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago sa iyong pagmamahal?
Hinding-hindi giliw ko, hanggang sa libingan
O, kay sarap mabuhay lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko ay 'di na mapaparam

Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh

Hinding-hindi giliw ko, hanggang sa libingan

O, kay sarap mabuhay lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko ay 'di na mapaparam

Ligaya sa puso ko ay 'di na mapaparam
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh