Tila bigla nasali na sa isang laro
Ako'y taya, ikaw ang puntirya ko
Pilit kong nilaro kahit 'di totoo
Oh, ang hirap mong mahabol palayo na nang palayo

Sige lang, tuloy mo lang
Kahit saan makarating ako'y nag-aabang
'Wag matakot na masaktan
Lagi mong tatandaan ako'y laging nandito lang
'Di mo ba alam ang gagawin
Sa puso'y laging nakikinig
Takot ba na magkamali?
Tama o mali, sino bang pakikinggan?

Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan
Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito, yeah
Walang iba, walang ibang nakagawa nito
Ako'y nahulog na, nahulog na, tukso ng 'yong bulong
Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, woah
La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, skrrt

Gustong balikan kung pa'no ba sinimulan
Hindi ko sukat akalain na ikaw lang ang gustong makasama
Habang buhay na lamang bang laging nakaabang
Naglalakbay sinusundan ang mga tala
Katuwang kung saan tayo tinadhana
Harapin sabay nating sulyapin
Kinabukasan na puno ng pag-asa

Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan
Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito, yeah
Walang iba, walang ibang nakagawa nito
Ako'y nahulog na, nahulog na, tukso ng 'yong bulong
Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, oh
(Puso ko sana'y 'wag paglaruan)
La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, skrrt

Damdamin ay bumubugso (Yeah, yeah)
Ang puso ay nalilito (Yeah, yeah)
'Wag naman sanang mabigo (Yeah, yeah)
Handang harapin lahat
Makahabol lang sa'yo, woah

Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito, yeah
Walang iba, walang ibang nakagawa nito
Ako'y nahulog na, nahulog na, tukso ng 'yong bulong
Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

La-la-la-la, la-la-la-la
Puso sana ay 'wag paglaruan, oh
La-la-la-la, la-la-la-la
Puso sana ay 'wag paglaruan
La-la-la-la, la-la-la-la (Takbo-takbo, pagbilang ng tatlo)
Takbo-takbo, nakatago na kayo
La-la-la-la, la-la-la-la (Litong-lito, puso'y gulong-gulo)
Gulong-gulo, paano ba itong laro?

Pa'no ba?