Sikat ng araw
Pahinga ko ay magbigay-pugay
Sa mga kalaban
Ihip ng hangin
Di na lumaban, di na nagkasya
Sa mga pupuntahan

Ang oras di naghihintay kahit para sa'tin
Ang ingay di magbibigay kahit di kaya

Sumama ka na sa'kin kaibigan
Tatahakin natin kinabukasan
Di na matatalo ng oras
Di mamamalayang ika'y nandito na
Ika'y nandito na

Silip ng ilaw
Di maiwasan na matamaan
Ang mata'y nasilaw
Ikot ng buhay
Di papatalo kahit magkulang
Sa mga naghihintay

Ang oras di naghihintay kahit para sa'tin
Ang ingay di magbibigay kahit di kaya

Sumama ka na sa'kin kaibigan
Tatahakin natin kinabukasan
Di na matatalo ng oras
Di namamalayang ika'y nandito
Sumama ka na sa'kin kaibigan
Kahit may pumigil sa ating pagtahak
Di na matatalo ng oras
Wag ka nang tumigil, ako'y nandito lang
Ako'y nandito lang