Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa 'yo
Paano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan
Pangako ko ang puso mo'y hindi pakakawalan

Paano mo maiintindihan na ako'y nananabik
Oh, kailan ko kaya madarama ang tamis ng 'yong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama'y pagbigyan mo, hiling ng puso ko

Subukan mong magmahal, oh, giliw ko
Kakaiba'ng ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y 'di ko gagawin
'Pagkat ikaw lang, tanging sasambahin
'Wag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw, wala nang iba