Noo'y pinapangarap lang
Ngayo'y tinititigan na
Sa tuwing hawak ko ang iyong mukha'y
'Di makapaniwalang nakamtan ka
'Pagkat sila'y maraming sinasabi
Ako raw ay 'di mo mapipili
Ngunit heto na ang pinakahinihintay na pagkakataon

'Di na nga panaginip ang lahat 'pagkat nandito na
Halina't totohanin
Gamitin apelyido mo
Lahat ng pangako ay patuloy na tuparin
'Di na mag-iisa
Gamit ang apelyido mo

'Di ko akalaing magbabago
Ang takbo ng ating buhay at ang k'wento
Ikaw pala'y may pagtingin din sa akin at 'di mo naitago
Tadhana'y di nagkamali na tayo'y
Pinagtagpo sa tamang panahon
Handang ibigay ang lahat sa'yo
'Pagkat alam kong gagawin mo rin ito

'Di na nga panaginip ang lahat 'pagkat nandito na
Halina't totohanin
Gamitin apelyido mo
Lahat ng pangako ay patuloy na tuparin
'Di na mag-iisa
Gamit ang apelyido mo

'Di na nga panaginip ang lahat 'pagkat nandito na
Halina't totohanin
Gamitin apelyido mo
Lahat ng pangako ay patuloy na tuparin
'Di na mag-iisa
Gamit ang apelyido mo