Bago ang lahat isipin mo kung nasa tama ka, 
Baka magkamali ka pa doon. 
At bago mo ayusin ang mga bagay sa paligid mo, 
Unahin mo kaya sarili mo 

Kailan? kailan ko gagawin kundi ngayon 
Tao po nananawagan lang naman ako 
Saan? kailangan nating simulan 
Tao po nangangailangan lang ng tulong nyo 

Nais kong mabuhay ng mabuti't marangal 
Nagsisimba nagdarasal ako, tuwing linggo 
Sapat na ba kayang itong sagot sa panalangin na 
Maging pantay at patag ang mundo 

Kailan? kailan ko gagawin kundi ngayon 
Tao po nananawagan lang naman ako 
Saan? kailangan nating simulan 
Tao po nangangailangan lang ng tulong nyo 

Kailangan bang ulitin pang muli 
Sa awit na sinabi noon 
Kailan ba kaya ako malaya sa gulo 
Ilang awit pa ba ang kailangan tugtugin ng 
Bandang to 

Kailan? kailan ko gagawin kundi ngayon 
Tao po nananawagan lang naman ako 
Saan? kailangan nating simulan 
Tao po nangangailangan lang ng tulong nyo 

Kailan? kailan ko gagawin kundi ngayon 
Tao po nananawagan lang naman ako 
Saan? kailangan nating simulan 
Tao po nangangailangan lang ng tulong nyo